PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celebrities and models audition in Davao leg of Survivor Philippines 2

A special invitation was given to some of the Top 120 castaways last season.
by Dinno Erece
Published Mar 20, 2009
Among the celebrities who went to the Davao audition for the second season of Survivor Philippines are a Starstruck 3 alumnus, a beauty queen and a bold actor.

Nagkaroon ng extra challenge ang Day 2 ng audition para sa Survivor Philippines 2 sa Davao; napasabay ito sa Davao City-wide jeepney strike. Gayunpaman, dire-diretso ang dating ng tao sa SM Davao kung saan ginaganap ang first at second-level audition.

May apat na levels ang pag-a-audition sa Survivor Philippines (SP); kahit noong first season pa lang, kuha na rin sa general rules ng Castaway Productions. Una, preliminary interview sa mga SP staff, pagkatapos mag-fill up ng application. Simple lang ang application form; short curriculum lang ng pangalan, palayaw, kaarawan, edad, civil status, address, at contact number, at apat na katanungan: kung may karamdaman ang applicant, kung may passport siya, kung marunong lumangoy, at kung may criminal record.

Kapag nasala sa preliminary interview, pipiliin na agad doon ang puwedeng pumasok sa second level, ang TV interview, kasama ng PM ng show na si Neil Gumban. Dito mas mahahaba ang tanong, mas mahihirap at kailangang patunayan ng nakalusot sa first level na karapat-dapat din silang umabot sa third level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Limahan ang interview sa bawa't level. Kadalasan sa hindi, buong grupo natatanggal. Ang iilan na makakapasa sa second level, pinababalik kinabukasan para sa unang pictorial at doon, pinagdadala na rin ng swimsuit.

Mula sa third level, saka pipiliin ang papasok sa final level kung saan doon kukunin ang final set ng castaways.

Marami sa mga nakakapasok sa second level, labasan na ng sob stories. Hindi nila alam, mas dini-discourage ito ng production dahil personality show ang Survivor Philippines. Ang mga nagsasabing gustong makapasok sa showbiz, mas madalas na natatanggal agad.

Character ang hinahanap nila sa pakikipagkuwentuhan sa second level interviewers in between breaks. Kanya-kanyang golpe de gulat ang ibinibigay ng mga applicants na nakakapasok sa second level.

Tinanong ang isa kung ano ang special talent niya. Sagot niya, "Magmaneho ng kalabaw."

Isa sa mga nakaabot ng second level sa SP Davao at pumasa para sa third level ay isang anthropologist na psychic din. May dala itong runes na panghula kung kaya't nagkatuwaan ng production na magpahula muna habang naghihintay ng mga susunod na applicants mula sa first level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kapansin-pansin, maraming gays ang nag-audition, ladlad at hindi. Pampagulat sa second level, saka biglang aamin ang mga lalaking tingnan na bading sa pag-iisip na ikakadagdag points nila ito.

"Siguro they want to prove themselves," sabi ni Neil na napansin din ang dami ng gays sa applicants.

Hindi naman daw sila nagdi-discriminate dahil naghahanap sila ng kakaibang personality na rin. Ayaw nila ng another Zita, another Marlon, dahil parang repetition lang ito ng Survivor Philippines Thailand.

Bago ang hanap nila. Ang dream castaway nga nila, "isang Marlon times three, pero babae."

At dahil na rin sa success ng unang SP, mas malalakas ngayon ang loob ng celebrities na in their own right ang nag-audition.

Isang Starstruck 3 alumnus ang nakapasa hanggang third level. Isang beauty queen, bagong title holder, ang umabot din hanggang third. Isa pang umabot ng third level ay isang bold actor. May isang grupo ng male sexy stars ang sabay-sabay na nag-audition at dalawa sa kanila ang nakapasa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Day 1 ng SP Davao audition, isang grupo ng local male models ang sabay-sabay na nag audition at ilan sa kanila ang nakapasa.

Ni-request ng SP na huwag munang i-release ang pangalan ng mga celebrities na umabot sa third level dahil hindi pa rin naman sila sigurado kung aabot sa final cast at nakakahiya sa kanila kapag napangalanan agad.

Sa mga celebrity na mga nakapasa, sa north and south nag-apply kahit hindi sila tagaroon. Mas konti kasi ang tao at mas konti ang makakakilala sa kanila kaysa kung sa Maynila sila mag-a-audition.

May bali-balita nang may mga balak mag-audition ang ilan sa mga galing na rin sa reality shows, ngunit ayaw nilang paniwalaan ito hanggang hindi sila nag-a-apply.

Walang ibibigay na special audition para sa celebrities ngunit iimbitahin ng SP ang natira sa Top 120 ng unang taon. Hindi na nila kailangang sumalang ulit sa first at second level, diretso na sila sa third level. Ipinagpaalam daw ng SP ang pag-invite nila sa Top 120 ng unang SP sa Castaway Productions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Among the celebrities who went to the Davao audition for the second season of Survivor Philippines are a Starstruck 3 alumnus, a beauty queen and a bold actor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results